Pag kayo ang may mali, hindi namin pinapansin. Pero pag kami na ang may mali, kami ang lagi nyong pinag sasabihan. Hindi kami IMMATURE noh. Alam namin ang tama sa mali, alam naming may isip din kami. Kaya naming mag isip nung ano ang mga dapat naming gawin. Hindi kami puro saya lang ang nasa isip. Kaya naming magseryoso at gumawa ng tama, kaya wag mo kaming pagsasabihan ng kung ano ano lalo nat hindi ka namin kaharap. Ang ganda ng ngiti mo samin samantalang pag wala kami at hindi nakaharap, ganun ka magtext?
Alam namin kung anong gusto mong marating. Alam namin kung ano ang gusto mo para sa grupo pero sana wag mo kaming gaganituhin. Dapat lahat ng sama ng loob mo sinasabi mo sakin. Hindi yung para kang bombang sasabog ng biglaan. Sabihin mo ng harapan.
Maganda ang intensyon mo sa grupo. Alam mo yun. Hindi lang ikaw ang may pangarap para sa grupo. Hindi lang ikaw ang napapagod o naiinis sa bawat miyembro kapag may nagawa silang mali. Hindi lang ikaw ang nakakapansin sa bawat problema ng miyembro. Kahit kami, alam namin yun. Madami kang hindi alam.
Ang amin lang. Wag mo kaming apakan na parang kami ang laging may mali.
No comments:
Post a Comment