In a group of friends, there will always be that "friend" who was left behind. Unfortunately, ako yun. Wow 'no? Sa sobra kong inis, ayoko ng mag english. TAGALOG NA TAGALOG na 'to.
Ang pagkakaibigan, hindi nasusukat sa gaano mo katagal kakilala ang isang tao, nasusukat 'to kung sino ang nanjan at handang makinig. WOW IT HIT ME. Its like Ive been shot in my heart. Right through my heart. Ilang araw na akong naiinis sa sarili ko and it came to a point na naiiyak na lang ako dahil sa inis. Ive been cursing in my mind for a couple of times already and I want it to stop. Ayokong magtago ng sama ng loob sa kung sino man. Pero, alam mo yung gusto mong mang-gagaling sa kanya yung balita pero sa ibang tao mo pa malalaman? Okay, mababaw ako pero seriously, ako kasama mo halos araw araw and sa kanya mo pa nakuhang magkwento. You never mentioned anything, kaya I was totally clueless. Di naman ata ako naging maling kaibigan sayo at di kita pinakialamanan sa anumang gusto mong mangyari sa buhay mo. Basta ako, lagi mong nakaka-usap, nakaka-sama at nakiki-kwentuhan. Di pa ba yun sapat sa'yo? Akala ko, almost bestfriend na material ka na. Pero mali pala ako.
Ive had trauma regarding having bestfriends. Good thing, di ko shi-nare lahat. Problem with people kasi one day, the best ka sa kanila. Next day, If maswerte ka, they would treat you the same as yesterday. Pag nagka-lamat yun, wala na. May kalawang na talaga.
I expected too much for you, and I feel sorry for myself. Oo nga pala, friendly ka. I cant blame you for that. Ang sa-akin lang, I don't want to be the last person. I don't want to be the second choice. But ano bang magagawa ko? Diba? Wala. NGANGA.
Kaya ngayon, ako naiinis sa sarili kasi mababaw na nga 'to parang pinalaki ko pa kasi nagtampo ako. Well you know what, by the next time I will see you, I will pretend none of these has happened.