Alam mo kung anong pakiramdam ng only child? Ikaw lahat nkaka-absorb ng lahat lahat ng binabato sayo. Lahat ng pwedeng masalo, ikaw at ikaw lang din ang sasalo. Wala ng iba. Lahat, including problema ikaw din ang sasalo. Problema ng parents mo, ng sarili mo, ng buong pamilya nyo. At ang panget dun, dahil sa madalas kang mag isa at sanay kang walang kausap. Nakakayanan mong tanggapin lahat ng yon ng walang nilalabas galing sa bibig mo. Kaya mong angkinin lahat ng sakit ng mararamdaman mo. Kahit wala kang sinasabihan, okay lang kce kaya mong tiisin. Ni katiting na salita wala kang ilalabas kce nga kaya mong itago lahat yun. Alam mo kung anong magandang gawin? Umiyak ka lang, magmukmok sa tabi at sabihin bakit nangyayari toh. Anong buhay meron ka ngayon at yung insidenteng yun, hinding hindi mo makakalimutan. Never in your life na makakalimutan mo siya. Ni isang reklamo walang maririnig na sasabihin mo sa iba.
Minsan naiisip mong magsarili na lang kce in a way na yun, makakapag isip ka ng wala sila sa isip mo. Tipong sarili mo lang iisipin mo kce nga nag-iisa ka na lang. Minsan gusto mo lang pumunta sa malayong lugar at dun mag isip isip. Gusto mo lang talagang pumunta sa isang malayong lugar.
Anong buhay meron ka?
No comments:
Post a Comment