Saturday, January 14, 2012

Relationships.

Hindi sa pipigilan kita. Pero sana isipin mo yung mga taong nakasama mo nung panahon na mag isa ka lang. Ang relasyon sa isang kaibigan, hindi matutumbasan ng kahit anong monthsary o anniversary sa mahal mo.

Sa panahon na natuklasan mo yung mga totoong kaibigan, masaya ka at parang wala iniisip kung hindi ang mag-gala, magkwentuhan ng buong araw kasama ang kaibigan mo. Pero bakit ngayon, mas iniisip mo pa yung lakad ng ibang tao kesa sa lakad ng kaibigan mong niyaya ka? Dati, gusto mong tagong tago ang relasyon mo pero bakit ngayon, konti na lang ibroadcast mo sa radyo lahat ng gusto mong sabihin at magpagawa ng billboard sa EDSA para sa mga gusto kong sabihin. Dati, nilihim mo lahat. Pero bakit ngayon, lantaran na. Sinabi pa sayo na bawal, yet anong ginawa mo? Oo, hindi mali ang pagmamahal pero tandaan mong wag mong ipapagpapalit ang relasyon mo sa ibang tao kesa sa magulang mo.

Darating ang panahon na mapupunta ka sa mga kaibigan mo kasi iiwanan ka nya. Dadating ang panahon na pupuntahan mo ang kaibigan mo dahil wala sya. Magsaya ka dahil nanjan sya pero wag mong ipakita na hindi mo kayang mabuhay ng wala siya ksi eventually, magagawa mo din yun. Madaming tao sa mundo, hindi mo kailangang gawing siya ang mundo mo.

Lasapin mo ang bwat oras na kasama mo sya pero tandaan mong may hangganan din ang lahat.

Hindi ko sinasabing pigilan mo pero sana isipin mo yung katagang, "may oras at panahon para sa mga bagay bagay".

No comments:

Post a Comment