Tagalog at may kaunting English 'tong post ko para damang-dama.
Minsan napapa-isip tayo sa kung ano talaga ang gusto nating gawin sa buhay. Kaso hindi yun nasusunod dahil sa mga responsibilidad o kagustuhan ng iba para sa atin. Hindi ba? Maswerte kung kaya nilang pag sabayin ang dalawa. Passion and responsibility nga sabi nila.
Para sakin, marami akong plano para sa pamilya, pang sarili, in terms of money, luxury, leisure, etc. Kung papalarin akong magka-pamilya, (yun ay wala pa naman kasi sa isip ko) na magkaroon sila ng magandang buhay katulad ng naranasan ko. Magarang bahay, 3-4 na beses kumakain sa isang araw, kuryente and tubig, tamang edukasyon, magagandang damit at sapatos. Yung hindi mo masasabing naghihirap ka. Para sa aking mga magulang, sa kanilang pagtanda, magiging sapat ba ang ipon namin para sa kanilang pangangailangan, pang kalusugan man o hindi. Magkaroon sila ng panatag sa loob na kung ano man ang maiiwan nila ay hindi mawawala, bagkus lalo pang bumubunga.
Sa aking sarili, marami. Ilan jan ay ang makapag libot sa iba't ibang panig ng Pilpinas at mundo. Makapag-explore sa mga lugar na hindi ko pa napupunta. Maka-kilala ng maraming tao at ma-ibahagi ang kultura ng Pilipinas. Maranasan ang kultura ng ibang tao sa iba't ibang lugar. Mahanap ang sarili. Pangalawa, Magkaroon ng business. Mas gusto ko ang related sa food dahil sa mahilig akong kumain at ang aking nanay ay magaling magluto. Gusto kong mag invest sa bagay na hilig kong gawin. Lalo na't nagiging uso ang mga food shop/restaurant sa atin at napag alaman ko rin na mahilig kumain talaga ang mga pinoy. Naiisip ko na kung ano ang magiging itchura ng restaurant namin.
Kaso kailangan nating maging praktikal... Hindi ba?
Mas uunahin ko ba ang pangarap ko kaysa sa maglingkod para sa pamilya ko?
No comments:
Post a Comment