Wednesday, December 2, 2015

An open letter...

Hi, kamusta ka na? Parang di na tayo nag uusap ha. Panay ang post mo sa Facebook, dun na lang ata ako nakikibalita tungkol sayo eh. Mukhang happy ka naman, travel dito, travel doon. Ang sarap ng buhay. Hahaha. Miss ka na namin. Kelan ba tayo last na nagkita?

Naalala ko pa dati, halos magka-sawaan tayo sa pagmumukha ng isat isa. Pero ngayon, we barely see each other. Busy sa ganito, busy sa ganyan. Mabuti na rin no, kasi atleast naka focus tayo sa mga bagay na magpapa gaan ng buhay natin. Di naman kasi madaling mabuhay dito sa Pinas. Kailangang magtrabaho. Pero after ng trabaho, meron naman tayong time para magka mustahan? Anong nangyari?

Noong may problema ka, sinamahan kita diba. Naalala mo ba yun? Umiyak ka pa nga eh. Iba kasi ako ng approach sa mga ganyan pero naramdaman mo ba yung presence ko? Sana no? Sana. Everytime na may problema ka, sinamahan kita nun. Napansin mo ba? Sana. Nung masaya ka, nandun din ako. Napansin mo ba? Sana. Kina-kamusta kita, nandun din ako, napansin mo ba? Sana. Inalam mo ba ang problema ko, nandun ka ba? Wala. Nung time na kailangan ko ng kasama, nandun ka ba? Wala. Nangamusta ka ba, hindi. Ang hirap no, one sided? Pero ikaw pa tong nagsasabi ng walang iwanan. Ano yun, joke?

Kung sa tingin mo is nanunumbat ako, parang hindi eh kasi gusto kong malaman mo ang side ko, di lang puro ikaw. Sanay ka kasing magpakita ng emotions mo where as ako ay hindi. Alam mo lang ang ugali ko as this mataray at matapang. Katuwa no?

Sinulat ko to para alam mong magpapa alam ako sa tabi mo. Pagod na ako eh. Di ako usually napapagod, sa trabaho lang. Yung tipong mag reresign talaga ako. Pagod na ako. Pagod na akong makinig sa mga explanations mong walang katapusan. Sa mga isa sagot mong paulit ulit. Tama na. Ako na mismo yung umaayaw eh. Di ko rin alam kung bakit pero napagod na ako. Kailangan ko bang mag sorry? Siguro oo. Kasi napagod ako. 

So ayun, sorry kung napagod ako at hindi ako naging open minded pero sabi kasi ng utak at puso ko, tama na. Pagod na tayo. May hiling pa ba ako sayo, wala na. Okay na yun, satisfied na ako. May kailangan ka pa bang sabihin, wala na. Di ko na yan kailangan. Kailangan ba nating magbago, oo. Kailangan na nating itigil yung mga ganitong pangyayari.

Salamat ha, kasi nakilala kita eh. Naging masaya ako. Masaya talaga. Pero gusto ko na tong gawin eh. Hindi kita i-u-unfriend or block kasi napaka childish nun. So kapag nagkita tayo, casual lang no. Usap dito ng unti. Pero hanggang dun na lang. Ayoko na. Pagod na ako.

Ingat ka palagi. Makaka hanap ka pa ng mas may worth kesa sakin. Wag kang mag alala. 

Sincerely,
Jen

No comments:

Post a Comment